Dito sa atin ngayon sa Pilipinas usong uso ang inggitan sa bawa’t isa yun yung tinatawag nilang “Crab Mentality”. Uso yan kahit sa magkakapatid, magkakamag anak, magkakaibigan, magkakasama sa trabaho o magkakapitbahay. Yung di matanggap na umaasenso ka samantalang sila hindi. Yung napromote ka at naunahan mo sila o di kaya’y sila yung nagpasok sa inyo sa trabaho pero mas mataas ang position mo sa kanya ngayon kaysa sa kanya. Di naman natin sila masisisi kung ganun sila, malamang kasi may mga pangarap din sila kaso nahihirapan silang mabigyan ng pagkakataon kung kaya’t na iinsecure sila pag di nila ito nakuha.
Kung alam mo naming tama ka at sa tingin mo wala kang ginagawang masama eh wag mo na lang silang intindinhin kasi isa lang silang malaking “TAE” sa buhay mo. Ang tae ay iniiwasan kasi mabaho. Pero pag yang taeng yan eh naapakan mo kasi di mo napansin eh okay lang yan kasi ang TAE ay fertilizer ng mga halaman para mag grow. TAMA?
Ipagdasal na lang natin sila lahat sa Panginoon na sana makuha din nila ang mga pangarap din nila sa buhay. Masaya kung lahat tayo ay umasenso at walang nakikitang naghihirap.
para sa akin, yang mga taong ganyan ay mas mababa pa sa tae kaya di dapat bigyan ng pansin. makakarma rin sila ha ha ha
TumugonBurahin