Karamihan sa atin nakakalimutan ang magpasalamat sa mga blessings na dumadating sa ating buhay. Kadalasan mas inuuna pa ang mga tsismis sa facebook, tsismis sa kapitbahay, gimik, gala, trabaho, inggitan sa kapwa at kung ano ano pa. Tsaka lang natin sya naaalala kapag may problema na tayo. At minsan sinisisi pa sya kung bakit nagkaganoon ang buhay. Naniniwala ako na kung ano ang ginagawa mo ngayon ay makakatulong o makakaapekto sa iyong kinubukasan. Kaya nga sabi nila "Life is not a matter of chance it is a matter of choice". Kaya walang ibang sisihin kundi ang sarili din natin.
Noong araw di ako nagsasawa sa kahihiling sa kanya ng mga regalong gusto ko makuha o marating galing kay Papa Jesus. Parati ko ikinukulit kulit sa kanya ang mga pangarap ko sa buhay. Ngayon Lahat ng hiniling ko sa kanya ay natupad at ibinigay nya. Pero bago nya ibinigay sa akin yun matinding pagsubok muna ang binigay nya sa akin. Siguro nga kung karapat dapat nga ba ako na makuha yun.
Sobrang nagpapasalamat din ako sa mga taong naging daan para marating ko ang aking mga pangarap. Ang mga taong walang sawang umalalay mula sa simula hanggang sa ngayon. Mga taong totoo sa akin. Dalangin ko ang kanilang kalusugan at safety sa bawat galaw nila dito sa mundo.
Ama tinatanggap ko po ng buong puso ang misyon na ibinigay nyo po sa akin. Samahan nyo po ako at ilayo sa mga masasamang tao.
napaka gandang mensahe para sa lahat...ikaw na nga bryan...sana matamo ko rin ang tagumpay na natatamasa mo ngayon...i pag pray mo rin ako para matupad ko rin ang pangarap ko...thank you bryan
TumugonBurahingod bless
TumugonBurahin