Huwebes, Abril 14, 2011

ICHUSERA KA INAY

ICHUSERA KA INAY               

Maraming mga magulang ang lumalapit sa mga talent agency o talent manager para sa kanilang mga anak. At kadalasang dialog ay ganito. Sige na po bigyan nyo naman po ng raket ang anak ko. Kahit wala pong tf okay lang magkaroon lang ng exposure ang anak ko. Di naman po kami after sa talent fee gusto ko lang ma expose ang anak ko. Ito wag ka pag nabigyan mo na ng raket at medyo sumikat na e ayun pag tinawagan mo na ang unang itatanung MAGKANO PO ANG TF? Pag medyo mababa ang sinabi mo ay kasi po ano eh me lakad po pala kami bukas sorry po ngayon ko lang naalala. Yung mga iba naman pag tinawagan mo ng audition ang tanong sayo? Anong show po yun? Pag sinagot mo ay kami na lang po ang pupunta kasi kilala ko po yun ep dun etc.. etc…

Yung mga iba naman pag sumikat, na ayun nagmamagaling na kaysa sa manager nila…dapat daw GANTO dapat daw GANUN e bakit di na lang kaya sila ang magmanage ng anak nila?  actually ang mga bata mababait ang mga magulang lang karamihan ang nagkakaroon ng attitude problem. Ito ay katotohanan na nangyayari talaga sa mga magulang ng artista at ginagawa nila ito sa kahit na sinong manager. Kaya kadalasan ang mga magulang din ang nakakasira ng career ng kanilang mga anak.

Di din maiiwasan dyan ang inggitan ng mga magulang sa project ng kanilang mga anak. Bakit daw sila ganun lang eh yung iba ganun. Dapat daw meron din sila ng ganun at ganyan. Hay naku ang mga artista nga naman. Bakit di ka na lang makontento sa kung anong ibinigay sayo ng panginoon. Ang bawat nangyayari sa atin ay may dahilan ang panginoon king bakit ganun. Sana lahat ng mga bata ay kagaya ng pamilya nina zaijian, zyriel at mutya na di mo makakakitaan ng pagbabago sa ugali kahit na sikat na sila.

1 komento: