Miyerkules, Abril 13, 2011

PAGKATAPOS BA NG WORKSHOP EH ARTISTA KA NA?

Ito po ang mga katanungan ng bawat magulang at mga batang nangangarap na mag artista. Sasagutin ko po dito ang ilang mga katanungang galing sa mga nag iinquire about sa pag woworkshop at pag aartista.

1. Pagkatapos po ba ng workshop nyo e magiging artista na kami o ang anak ko?

             Bryan: Under my manageement di po kami nag popromise na magiging artista po agad ang mga anak      nyo. Training center lang po kami at tumutulong lang po kami para madevelop ang mga anak nyo sa pag arte, pag sayaw o sa pag momodelo. Ang mga matututunan po nila sa amin ay isang malaking factor sa kanila para magamit nila pag may mga audition, go-see, vtr etc...kaya kailangan galingan nila at magpakitang gilas sa mga caster. Hindi po kami nagpapasikat ng mga bata and mga bata po mismo ang nagpapasikat sa sarili nila.


2. Sigurado po bang may matututunan kami o ang mga anak namin pagkatapos ng workshop?

            Bryan: Depende po sa bata  kung makikipag cooperate po sya sa amin at sa mga trainer po namin. Madali lang po matuto ang bata kung gusto nya ang ginagawa nya. Karamihan kasi ngayon ay pinipilit lamang ng mga magulang nila para mag artista na di naman talaga gusto ng mga bata. Malamang kaya pinipilit ng mga magulang ang kanilang anak ay dahil sa kahirapan at nagbabasakaling sa pag aartista sila swertihin. o di kaya'y pangarap ng mga magulang na magartista noong araw pero di nabigyan ng chance kung kaya't sa anak na lamang pinapasa.

3. Bakit po ganun? antagal na namin nagwoworshop eh wala pa naman pong nangyayari sa anak ko?

            Bryan: Di pa po tamang panahon, kasi ang pag aartista ay pana-panahon po yan at tamang project. Kung Para sayo talaga yan ay para sa iyo. Kagaya ni Zaijian Jaranilla 2004 siya nag start magworkshop sa akin 2009 sya nabigyan ng break. Si Xyriel Manabat 2008 siya nag start magworkshop 2010 sya nabigyan ng break. Pero Tignan nyo naman po kung nasaan sila. At may mga nagworkshop din po sa amin year 2004 kasabayan ni Zaijian na hanggang ngayon wala pang break.

4. Paano po ba magworkshop?

           Bryan: Punta po kayo sa office ng mga nagpapaworkshop para magparegister. Bibigyan nila kayo ng schedule. Kung sa amin punta na lang po kayo sa workshop area namin every saturday 2pm-5pm at sunday 1pm-5pm. Venue: United Church of Christ in The Philippines edsa quezon ave near census, merced, untv. Yung iba naman gustong gusto daw mag artista pero pag pinapunta mo naman sa office o di kaya sa workshop eh andami namang alibi.

5. Ano mga kailangang dalhin?

          Picture at pambayad sa workshop 400 per session.

6. Anong mga kasama sa workshop?

          SAT - ACTING + MODELING
          SUNDAY - ACTING + DANCING + MODELING

Ang mga workshoper po namin ay may chance makapagtaping while workshop is ongoing kung magfifit po ito sa character na hinahanap ng client o ng production. O pag may mga mall show po kami ng fit din po sila sa need ng client pwede din po...

WORKSHOP DETAILS
WORKSHOP FEE: 400 PER SESSION
# OF SESSIONS: 12

SCHEDULES:
SATURDAY:

TEENS:   ACTING ONLY / 11AM-2PM
KIDS: ACTING & MODELING / 2PM-5PM

SUNDAY: ACTING, DANCING & MODELING / 1PM-5PM

Workshop will resume on April 30 and May 1.
text: 09157281764

1 komento: