Biyernes, Abril 15, 2011

KAPAG INGGIT ANG UMIRAL “Bawal Tumawid nakamamatay”

 
Dito sa atin ngayon sa Pilipinas usong uso ang inggitan sa bawa’t isa yun yung tinatawag nilang “Crab Mentality”. Uso yan kahit sa magkakapatid, magkakamag anak, magkakaibigan, magkakasama sa trabaho o magkakapitbahay. Yung di matanggap na umaasenso ka samantalang sila hindi. Yung napromote ka at naunahan mo sila o di kaya’y sila yung nagpasok sa inyo sa trabaho pero mas mataas ang position mo sa kanya ngayon kaysa sa kanya. Di naman natin sila masisisi kung ganun sila, malamang kasi may mga pangarap din sila kaso nahihirapan silang mabigyan ng pagkakataon kung kaya’t  na iinsecure sila pag di nila ito nakuha.

Kung alam mo naming tama ka at sa tingin mo wala kang ginagawang masama eh wag mo na lang silang intindinhin kasi isa lang silang malaking “TAE” sa buhay mo. Ang tae ay iniiwasan kasi mabaho. Pero pag yang taeng yan eh naapakan mo kasi di mo napansin eh okay lang yan kasi ang TAE ay fertilizer ng mga halaman para mag grow.  TAMA?

Ipagdasal na lang natin sila lahat sa Panginoon na sana makuha din nila ang mga pangarap din nila sa buhay. Masaya kung lahat tayo ay umasenso at walang nakikitang naghihirap.

Huwebes, Abril 14, 2011

ICHUSERA KA INAY

ICHUSERA KA INAY               

Maraming mga magulang ang lumalapit sa mga talent agency o talent manager para sa kanilang mga anak. At kadalasang dialog ay ganito. Sige na po bigyan nyo naman po ng raket ang anak ko. Kahit wala pong tf okay lang magkaroon lang ng exposure ang anak ko. Di naman po kami after sa talent fee gusto ko lang ma expose ang anak ko. Ito wag ka pag nabigyan mo na ng raket at medyo sumikat na e ayun pag tinawagan mo na ang unang itatanung MAGKANO PO ANG TF? Pag medyo mababa ang sinabi mo ay kasi po ano eh me lakad po pala kami bukas sorry po ngayon ko lang naalala. Yung mga iba naman pag tinawagan mo ng audition ang tanong sayo? Anong show po yun? Pag sinagot mo ay kami na lang po ang pupunta kasi kilala ko po yun ep dun etc.. etc…

Yung mga iba naman pag sumikat, na ayun nagmamagaling na kaysa sa manager nila…dapat daw GANTO dapat daw GANUN e bakit di na lang kaya sila ang magmanage ng anak nila?  actually ang mga bata mababait ang mga magulang lang karamihan ang nagkakaroon ng attitude problem. Ito ay katotohanan na nangyayari talaga sa mga magulang ng artista at ginagawa nila ito sa kahit na sinong manager. Kaya kadalasan ang mga magulang din ang nakakasira ng career ng kanilang mga anak.

Di din maiiwasan dyan ang inggitan ng mga magulang sa project ng kanilang mga anak. Bakit daw sila ganun lang eh yung iba ganun. Dapat daw meron din sila ng ganun at ganyan. Hay naku ang mga artista nga naman. Bakit di ka na lang makontento sa kung anong ibinigay sayo ng panginoon. Ang bawat nangyayari sa atin ay may dahilan ang panginoon king bakit ganun. Sana lahat ng mga bata ay kagaya ng pamilya nina zaijian, zyriel at mutya na di mo makakakitaan ng pagbabago sa ugali kahit na sikat na sila.

Miyerkules, Abril 13, 2011

PAGKATAPOS BA NG WORKSHOP EH ARTISTA KA NA?

Ito po ang mga katanungan ng bawat magulang at mga batang nangangarap na mag artista. Sasagutin ko po dito ang ilang mga katanungang galing sa mga nag iinquire about sa pag woworkshop at pag aartista.

1. Pagkatapos po ba ng workshop nyo e magiging artista na kami o ang anak ko?

             Bryan: Under my manageement di po kami nag popromise na magiging artista po agad ang mga anak      nyo. Training center lang po kami at tumutulong lang po kami para madevelop ang mga anak nyo sa pag arte, pag sayaw o sa pag momodelo. Ang mga matututunan po nila sa amin ay isang malaking factor sa kanila para magamit nila pag may mga audition, go-see, vtr etc...kaya kailangan galingan nila at magpakitang gilas sa mga caster. Hindi po kami nagpapasikat ng mga bata and mga bata po mismo ang nagpapasikat sa sarili nila.


2. Sigurado po bang may matututunan kami o ang mga anak namin pagkatapos ng workshop?

            Bryan: Depende po sa bata  kung makikipag cooperate po sya sa amin at sa mga trainer po namin. Madali lang po matuto ang bata kung gusto nya ang ginagawa nya. Karamihan kasi ngayon ay pinipilit lamang ng mga magulang nila para mag artista na di naman talaga gusto ng mga bata. Malamang kaya pinipilit ng mga magulang ang kanilang anak ay dahil sa kahirapan at nagbabasakaling sa pag aartista sila swertihin. o di kaya'y pangarap ng mga magulang na magartista noong araw pero di nabigyan ng chance kung kaya't sa anak na lamang pinapasa.

3. Bakit po ganun? antagal na namin nagwoworshop eh wala pa naman pong nangyayari sa anak ko?

            Bryan: Di pa po tamang panahon, kasi ang pag aartista ay pana-panahon po yan at tamang project. Kung Para sayo talaga yan ay para sa iyo. Kagaya ni Zaijian Jaranilla 2004 siya nag start magworkshop sa akin 2009 sya nabigyan ng break. Si Xyriel Manabat 2008 siya nag start magworkshop 2010 sya nabigyan ng break. Pero Tignan nyo naman po kung nasaan sila. At may mga nagworkshop din po sa amin year 2004 kasabayan ni Zaijian na hanggang ngayon wala pang break.

4. Paano po ba magworkshop?

           Bryan: Punta po kayo sa office ng mga nagpapaworkshop para magparegister. Bibigyan nila kayo ng schedule. Kung sa amin punta na lang po kayo sa workshop area namin every saturday 2pm-5pm at sunday 1pm-5pm. Venue: United Church of Christ in The Philippines edsa quezon ave near census, merced, untv. Yung iba naman gustong gusto daw mag artista pero pag pinapunta mo naman sa office o di kaya sa workshop eh andami namang alibi.

5. Ano mga kailangang dalhin?

          Picture at pambayad sa workshop 400 per session.

6. Anong mga kasama sa workshop?

          SAT - ACTING + MODELING
          SUNDAY - ACTING + DANCING + MODELING

Ang mga workshoper po namin ay may chance makapagtaping while workshop is ongoing kung magfifit po ito sa character na hinahanap ng client o ng production. O pag may mga mall show po kami ng fit din po sila sa need ng client pwede din po...

WORKSHOP DETAILS
WORKSHOP FEE: 400 PER SESSION
# OF SESSIONS: 12

SCHEDULES:
SATURDAY:

TEENS:   ACTING ONLY / 11AM-2PM
KIDS: ACTING & MODELING / 2PM-5PM

SUNDAY: ACTING, DANCING & MODELING / 1PM-5PM

Workshop will resume on April 30 and May 1.
text: 09157281764

Sabado, Abril 9, 2011

ANG PAG AARTISTA NG MGA BATA

Mas maraming aligagang magulang para magkaroon ng exposure ang mga anak. Pinipilit ang kanilang mga anak na maipasok sa mundo ng showbiz. Hala ayun takbo dito takbo doon hindi alam kung saan pupunta at kung alin ang uunahin. Well, ang pag aartista ay panapanahon kung para sa iyo talaga ang pag aartista ay para sa iyo. Kailangan lang handa ka na pag nandyan na, kaya nga madaming talent agency ngayon ang nagpapaworkshop para maihanda ang kanikanilang mga alaga. Para magkaroon kayo ng idea si Zaijian Jaranilla ay nagworkshop sa akin noong 4 yrs. old pa lamang sya, nagkaroon sya ng project sa akin noong 7 yrs. old na sya. Si Xyriel ay 5 yrs. old nagkaroon sya ng break noong 6 yrs. old. Ganun din si Daniela at Timothy Lambert Chan, Mga alaga ko na nagsimula sa paextra extra lang na ngayon ay nagkaroon na ng mga magagandang tv exposures.

Kadalasang gawain ng mga magulang pag artista na ang anak.

1. Nagmamagaling sila kesa sa manager nila bakit di na lang sila ang magnamage ng kanilang sariling anak.
2. Kinukumpare ang mga anak nila sa ibang kasabayang artista.
3. Nag iinarte na pag sumisikat na.
4. Ayaw magworkshop na kasi feeling nila magaling na sila.
5. Magdedemand na ng malaking talent fee at marami pang iba..

Si Zajian, Xyriel, Mutya & Daniela ay mga pinagmamalaki ko sa lahat ng mga naging alaga ko kasi kahit na sikat na sila ay di mo pa din makakakitaan ng pagbabago ng ugali magmula sa parents at sa artista mismo.. Sila ang magagandang halimbawa ng isang batang artista. Sana tularan sila ng mga batang nagsisimula pa lamang sa mundo ng showbiz.